walang magawa?

RSS
Oct 8

Wala Kang Magawa: Ang Pinakamahalaga Mong Relationship.


“Succeed at home, and all other relationships become easier”. Yan ang sabi ni Dr. John C. Maxwell.

          Napakaraming pamilya na ang naghihiwa-hiwalay o nagbibitak bitak. Mga bahay na walang ama, pasaway na mga anak, at mga magulang na puro na lamang trabaho ang inaatupag. Nawawalan na ng karampatang atensyon ang bawat isa sa pamilya, maging anak, ina, ama, o iba pang mga kapamilya. Sa ibang mga tao ang diborsyo ay pangkaraniwan na lamang at ang pamilya ay isang naging acceptable na na casualty sa pang-abot ng tagumpay sa carreer ng buhay.

          Isang ilusyon kung masasabing mong successful ka sa iyong sa career sa buhay, may matataas kang grades, maganda/gwapo ang iyong gf/bf, marami kang pera, maganda ang iyong posisyon sa trabaho, kung sira naman ang pamilya mo. You can’t give up your marriage or neglect your children and gain true success, nga ang sabi.

          Ang sabi pa nga ng isang family expert na si Nick Stinnet, “When you have a strong family life, you receive the message that you are loved, cared for and important. The positive intake of love, affection and respect.. gives you inner resources to deal with life more successfully.”

Ok, hindi naman lahat e naging maganda ang simula sa pamilya. Marami ng naging awayan, alitan, sigawan, sumbatan at iba iba pa. Kahit si Mr. Walang Magawa, hindi rin perpekto ang pamilya, ngunit.. ngunit.. pwede nating ayusin o baguhin ang nakaraan. Pwede pa itong mabago at maayos. Ang aking lamang nais, ay magkaroon tayo ng pag-asa, na hindi pa huli ang lahat. Sabayan ninyo sa muling pag-ayos at pag rebuild ng ating mga pamilya. At kung sa tingin mo ay maayos naman ang iyong pamilya, or kahit so so.. Para sa iyo parin itong mensahe kong ito.

          Aanhanhin ba natin kung mapapasatin ang buong mundo, ngunit ating bibitawan ang ating mga pamilya. Sana masabi natin sa ating sarii, na tayo’y naging isang mabuting ina, mabuting anak o mabuting ama.

Ang pagbuo at pagsasaayos ng pamilya ay hindi nangyayari ng kusa, kelangan nating pagsikapan upang maibalik natin ito sa ayos. Kung ikaw ay may family, na i’m sure meron. Eto po ang ilang sa mga suggestions or tips na pwede nating isaalang-alang upang maging ating mapalakas at maisaayos ang ating mga pamilya.

1. Express Appreciation for Each Other.

pamilya

Ang sabi nila, ang pamilya daw ay ang ating lugar kapag pagod na tayong makisama sa ibang tao sa labas. Halimbawa ay isang nurse or physical therapist, ang mabit bait mo sa mga pasyente at katrabaho mo, pero pagdating mo sa bahay, hala grabe ka kung makasigaw at makaaway ng mga kapatid at magulang. Tingin mo ba ay tama ito? 

Kung gusto mo ng isang pamilyang iyong masasandalan, kaylangan mo itong gawing isang supportive environment, na lahat ng tao ay appreciated. Gusto ng lahat yun, pero masyado na tayong nagiging sanay at pamilyar sa mga kasama natin, kaya kahit murahin natin ehh ok na lang.

Matuto tayong maging mag focus sa postive aspects ng personalidad ng mga kasama natin sa bahay, mag - express ng unconditional love both verbally at non- verbally. Wag palaging nakabusangot or nakasimangot. Gawin natin ito, tignan natin kung magiging isa nga bang supportive na environment ang ating pamilya.

Mayroon pa pong nalalabing 5 na suggestions or tips, na sa susunod na kabanata ko na lamang isshare. Hanggang sa susunod po ulit. Maari kayong magbigay ng mga comments at suggestions kung ano po ang inyong masasabi sa post na ito.

Pinasasalamatan ang mga URL na to sa mga pictures na ginamit para post na ito.
http://carolinafamilyalliance.com/yahoo_site_admin/assets/images/familybeachpic.35204034.jpg 

http://ameliamims.files.wordpress.com/2012/06/jumping-family.jpg

REFERENCE:

  • REAL Leadership by John C. Maxwell, pg. 69 -72. 
Oct 8

Hello? Hahahah Alam mo ba dati kong url ang "walangmagawa" nakakatuwa at url mo rin siya. BTW nice blog po :))

thanks.. babaeng stalker?? hahahaha.. yup. thanks for liking the blog. :D i will keep it up!

Oct 7

                      “Minsan ang pinakamagandang gawin ay walang gawin”

]]>]]>

                      “Minsan ang pinakamagandang gawin ay walang gawin”

Oct 5


salamat kay batanamatampuhin sa paggawa nito. :D

Oct 4

Abangan..

Kami po ngayon ay mag-sisimula ng isang “series”, ito ay pinamagatang, “Labimpitong Araw Para sa Mga Walang Magawa.”

Inaanyayahan po namin ang lahat na sumubaybay sa mga post na aming ihahatid para lamang sa inyo.

Kada araw ay magpopost kami ng isang kwento kung paano natin maiiwasan ang bugnot, katamaran, kawalan ng ginagawa at ichannel ito sa paggawa ng mga makabuluhang bagay bagay.

Abangan..

Salamat po.

Oct 4

kung ikaw ay walang magawa, ngumiti ka. ” :) ” at lakihan mo. ” :D ” tingnan mo may maiisip ka ng gawin. :D

Oct 3

ang aming FB..

http://www.facebook.com/walangmagawa.ver.0.1

heto po ang aming Facebook page.

Oct 3

Wala Ka Bang Magawa? Para Sayo To!

       ..kung ikaw ay walang magawa ngayon, habang nakaupo at nagbabasa ng post na ito.. ang site na to ang para sayo.

         ”eto po ay isang samahan ng mga tao, na gustong may magawa para sa bansa, pero ang pakiramdam ay wala silang magagawa.”

         kung ikaw naman ay naniniwala na kaya mong magbigay o mag contribute para sa ikabubuti ng ating bansa, hetong site na ito ay para sayo din.

….

Inaanyayahan ko po ang lahat na lumahok dito. Kung ikaw ay may kwento na gustong i-share, halimbawa ehh mga nagawang mabuti sa kapwa o kahit sa sarili ngayong araw, kung paano mo napagbati ang iyong kaibigan, kung paano mo tinimping hindi makipag-away sa magulang, pinagdasal ang ating bansa, kahit na ano pong mabuti o positive na iyong nagawa. Ireport lamang po dito ang iyong storya sa pamamagitan ng pag-click ng salitang Submit sa kanang bahagi ng page, kalakip ng iyong facebook account upang ikaw ay maacknowledge sa buong mundo.

kung ikaw naman ay may talent, basta iyong siguraduhin na yan ay isang talent, na pwedeng panoorin o pakinggan, gumawa lamang ng account sa youtube, i- record ang iyong talent at i-send ang video rito sa pamamagitan rin ng pag Submit upang ikaw ay makikilala rin.

Amin po rereviewhin ang mga isusubmit sa amin, at kayo po ay inonotify kapag nakapost na ang inyong ipinasa sa amin.

ang amin pong layunin ay makilala ang bansang Pilipinas, sa kung ano nga ba ito. Isang bansang magaling, madiskarte, at pinagpala.

Maraming Salamat po.